Masama pa rin ang loob sa kanyang overprotective na ama ng karakter ni Kathryn Bernardo sa "Wansapanataym Presents Puppy Ko Si Papi" ngayong Linggo (Nobyembre 30). Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan para maibalik sa pagiging tao ang tatay na si Douglas (Dominic Ochoa), nananatili pa rin ang tampo sa puso Iris (Kathryn) dahil sa paghihigpit ng ama pagdating sa mga taong nagiging malapit sa kanya. Maaayos pa ba ni Iris ang relasyon nilang mag-ama? Ano ang gagawin ng dalaga kapag malaman niyang hindi umepekto ang ritwal at naging aso muli si Douglas? Tampok din sa “Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi” sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Yam Tanangco Domingo at direksyon ni Don Cuaresma. Ang original story book ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina, Kapatid, Anak,” “Juan dela Cruz,” at “Ikaw Lamang.” Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng “Wansapanataym” special ni Kathryn ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa
www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
No comments:
Post a Comment